= SFD 2018/Philippines = Ang Pilipinas, opisyal na '''Republika ng Pilipinas''', ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-silangang Asya na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Ito ay binubuo ng 7,641 pulo na hinahati sa tatlong kumpol ng mga pulo na: Luzon, Kabisayaan (kilalá rin bílang Visayas) at Mindanao. Ang ulumbayan nito ay ang Maynila at ang pinakamataong lungsod ay ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Pinapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzon sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Matatagpuan ang bansang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa habang matatagpuan ang bansang Malaysia sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang Palau at sa hilaga matatagpuan ang bansang Taiwan. ''Hango sa mga pahina ng [[https://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinas|Wikipedia]]''. == Mga Lungsod o Bayan == <> == Gumawa ng Bagong Pahina para sa Lungsod == <> CategoryCountry2018